Naganap ngayong araw, Pebrero-10, ang paglagda ng isang Memorandun of Understanding sa pagitan ng Philippine Coast Guard (PCG)
North East Luzon Command, ahensoya ng PAGIBIG at MV-VIE Realty para sa proyektong pabahay para sa PCG na itatayo sa lalawigan ng Cagayan.
Batay sa programang naganap, aabot sa bilang na 554 na units na pabahay ang nakatakdang maitatayo sa bayan ng Enrile at ito ay mapapaloob sa isang 4.2 ektaryang lupain malapit sa munisipyo ng bayan ng Enrile.
Ang MV-VIE Realty ang siyang developer at contractor ng nabanggit na pabahay, at ang PAGIBIG naman ang siyang magfi-finance para makabili ng unit ang mga kawani ng PCG.
Ayon kay Leocadio Barbo, ang Housing Coordinator ng PCG, ang housing project na ipapatayo sa Enrile ay siyang kauna-unahang housing project ng PCG sa Cagayan.
Dagdag pa ni Barbo na bagamat ang PCG North East Luzon ang ka-MOA ng PAGIBIG at MV-VIE Realty, pwedeng makakuha ng unit ang mga personnel na taga-ibang cluster.
Ayon kay Twaheer Zafar, ang Vice President ng VIE Construction Services, kasalukuyan na ang paglalakad ng dokumento para masimulan na ang land development ng lote na pagtatayuan ng pabahay, at sa lalong madaling panahon ay magkakaroon na ng disenteng tirahan ang mga taga-Coast Guard.
Sa bahagi naman ng PAGIBIG, napapanahon ang nabanggit na proyekto sa nailunsad na Pambansang Pabahay Para sa Pilipino o 4PH program ng pamahalaan.
Ayon pa sa PAGIBIG, ang accomplishment nila sa nabanggit na housing project ay idadagdag sa accomplishment ng PAGIBIG mula sa isang milyong target na housing units na ipapatayo sa buong bansa kada taon.