Hindi maipinta sa mga mukha ng mga guro, magulang at mga mag-aaral ang kagalakan sa bagong school gymnasium na ipinatayo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pamumuno ni Governor Manuel Mamba sa Amulung National High School Baculud-Annex na pinasinayaan at itinurn-over ngayong araw, Oktubre-17.
Inihayag ni Wilma Bumagat, Assistant Schools Division Superintendent ng Schools Division of Cagayan at Alice Sugay, Public Schools District Supervisor, ang labis na pasasalamat dahil sa aniya’y makasaysayang petsa para sa eskwela. Bukod pa sa school gym ay tinupad rin ni Gob. Mamba ang pagpapasemento sa ilang metro na lubak-lubak na daan papasok sa nasabing paaralan.
“It is beyond words, to thank the Governor for this laudable project. No more bringing of bamboo for tolda, because we have now our gym that will be taken care of and use for it is intended. No more sana-all,” anila.
Taos-pusong tinanggap naman ni Olivella B. Lim, OIC ng eskwela at Barangay Chairman Crispino Malamug, ang key of acceptance kasama na ang mga PTA officer, at mga estudyante. Ayon kay Lim, sa katunayan ay apat na na aktibidad ang naganap sa nasabing school gymnasium.
“You are the best Governor ever! Ito naman pinagmamalaking mensahe ni R-J Dela Cruz, SSG President ng eskwela na magtatapos ngayong school year 2022-2023. Aniya tuloy na tuloy na ang graduation sa mismong paaralan dahil hindi na kailangan pang lumipat dahil mayroon ng gym.
Samantala, muling inihayag ni Gob. Mamba na ang tamang pagpili ng lider ang ugat ng mga magagandang proyekto para sa probinsiya. Hindi umano imposible na maisasakatuparan ang mga ito kung lalabas sa “comfort zone”, iwaksi na ang ang status quo at subukan ang mga bagay na ikabubuti ng pamayanan.
Ang National High Baculud-Annex ay mayroong 400 na estudyante maliban pa sa mga kaguruan at mga residente sa barangay na maaaring gumamit sa nasabing pasilidad.
Sinimulan ang nasabing gym na nagkakahalaga ng P3.5 milyon noong Abril -07 ng kasalukuyang taon at natapos ito ngayong buwan ng Oktubre.