Isinagawa ng Provincial Veterinary Office (PVET) ang libreng kapon at ligate, rabies vaccination sa mga alagang aso’t pusa at pagbabahagi ng Information, Education and Communication (IEC) campaign hinggil sa rabies sa isang paaralan sa Aparri nitong September-30.
Sinabi ni Dr. Myka Ponce, Veterinarian II ng PVET na walo ang sumailalim sa ligate at 21 naman ang nakapon na aso at pusa.
Umabot naman aniya sa 384 na mga alagang hayop ang nabakunahan ng anti-rabies sa barangay ng Paddaya, Aparri. Kasabay nito aniya ang IEC sa mga estudyante ng Aparri East National High School.
Ang naturang aktibidad ay bahagi pa rin sa selebrasyon ng World Rabies Day nitong Miyerkules, Setyembre-28 na may temang “Rabies: One Health, Zero Deaths” na naglalayong mabigyan ng proteksyon ang tao at mga aso at pusa laban sa rabies.
Unang nagkaroon na ng anti-rabies vaccination sa Enrile, Iguig at Lal-lo habang IEC sa Rizal, Enrile, Piat, Iguig, Gonzaga, Gattaran, Baggao at Tuguegarao City.
Nakatakda naman sa October-4 ang gagawing IEC sa St. Philomene of Alcala, Inc. at Baybayog High School sa Alcala, Cagayan.