Ipinasa ng mga miyembro ng Provincial Developmemt Council o PDC ang ilang resolusyon para sa probinsiya ng Cagayan sa isang pagpupulong na pinangunahan ni Governor Manuel Mamba ngayong araw Setyembre-13 sa Villa Blanca Hotel,Ugac Norte, Tuguegarao City.
Una rito ay tinukoy at inaprubahan ang kumpirmasyon ng mga miyembro mula sa Civil Society Organizations (CSOs), Non-Governmental Organizations (NGOs) at People’s Organization (POs) para sa Provincial Development Council (PDC), Peace and Order (PPOC), Provincial School Board (PSB), at Provincial Health Board (PHB).
Sumunod naman na inaprubahan ang muling pagsasaayos sa PDC Executive Committee at Re-organization ng Sectoral Committee.
Kasama rin sa inaprubahan ang expansion ng Provincial Project Monitoring Committee o PPMC.
Sa naganap na pagpupulong, iprinisinta rin ni Rolando Calabazaron Jr. Assistant Provincial Planning and Development Coordinator ang Supplemental Development Investment Program (SPDIP) para sa Calendar Year 2021-2025 at Supplemental Annual Investment Program (SAIP), Provincial Development Investment Plan (PDIP) CY 2023-2028, Annual Investment Program (AIP) CY 2023; Provincial Disaster Risk Reduction Management Investment Plan (PDRRMIP) at Local Road Network Development Plan. Ang lahat ng ito ay agad namang ipinasa ng PDC.
Kaugnay nito, hiningi naman ni Gob. Mamba sa mga miyembro ng council na magpasa ng isang resolusyon na magbigay ng listahan ng mga farm-to-market roads sa probinsiya at ang isang endorsement na sana ang mga Local Government Units (LGUs) ay maaari nang mag-issue ng franchise sa mga sasakyan na nag-ooperate sa municipalidad.
Samantala, sa kanyang pambungad na mensahe, ibinahagi ni Governor Mamba sa mga miyembro ang Cagayan International Gateway Project. Muling iginiit ng Gobernador na ang pagpaplano para sa probinsiya ay nakatuon dapat sa long-term, kung saan ang mga susunod na henerasyon ang makikinabang sa mga programa at proyektong ipapatupad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.
“I don’t want to plan out things just for us, but I want it for our children and generations that will come, the next generations of Cagayanos.Ito po ang ginagawa natin ngayon. That is how development comes. I received unsolicited $7 billion US Dollars investment. Look at us, we are nearest to the giant of the world, China, Japan and South Korea, they are now part of the plan. Our plan is not only in the entire Cagayan but for the region and the Northern Luzon,” saad ni Gob. Mamba.