Bilang paggunita sa selebrasyon ng Tourism Month ngayong buwan ng Setyembre, naghanda ang Pamahalaang Panlalawigan, sa pangunguna ng Cagayan Provincial Tourism Office, ng iba’t ibang aktibdad sa buong buwan.
Ang tema ng lalawigan para sa pagdiriwang na ito ay “Cagayan THRIVES” o Cagayan: Tourism and Hospitality for Resiliency, Inclusivity, Vibrancy, Empowerment, and Sustainability. Ayon kay Jenifer Junio-Baquiran, unang inilunsad itong tema na ito noong nakaraang taon bilang bahagi ng pagbangon ng industriya ng turismo sa gitna ng pandemiya.
Sambit ni Junio-Baquiran na ang temang ito ay nagpapahayag ng katatagan ng industriya ng turismo ng Cagayan sa gitna ng mga hamon ng pandemiya. Isa ang turismo aniya sa lubhang naapektuhan sa krisis na kinaharap ng buong mundo.
“Amidst the pandemic, Cagayan will still thrive. The tourism sector will be one of the driving forces in this. We will be commited to developing and managing our tourism industry guided by these five principles – resiliency, inclusivity, vibrancy, empowerment and sustainability,” ayon kay Junio-Baquiran.
Ilan naman sa mga aktibidad na nakalinya sa Tourism Month celebration ay ang launching at exhibit ng tourism brand ng lalawigan na “Endless Fun, Cagayan!”, Provincial Tourism Quiz Bee, digital art competiton, launching of coffeetable book, website at kiosks; Touri-zumba, at libreng heritage tours sa lungsod ng Tuguegarao.
Kasabay naman nito ang simultaneous celebration ng Tourism Week sa lahat ng bayan mula Setyembre 26-30.
Inaanyayahan naman ng Provincial Tourism Office ang lahat ng Cagayano na makilahok sa selebrasyon na ito.