Agad na nagpadala si Gob. Manuel N. Mamba ng isang bus ng Provincial Government of Cagayan (PGC) upang makauwi sa lalawigan ang tatlumpu’t pitong (37) futsal players at apat (4) na coaches matapos ma-stranded sa Ilocos Norte.
Ayon kay Eddie Iddu Carag, isa sa mga coaches ng mga atleta, nasira ang coaster na sinakyan ng mga manlalaro nang pauwi na ang mga ito sa probinsiya mula sa sinalihan nilang Futsal Tournament Invitation sa Ilocos Norte.
Sa Facebook post ni Carag, lubos ang pasasalamat nito sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan at sa tanggapan ni Gob. Mamba dahil sa agarang pagtugon sa kanila.
“Maraming salamat Gov. Manuel N. Mamba for the immediate response in rescuing these futsal boys/girls who participated in the just concluded open footsal competition in the Ilocos Region. These futsals were stranded in Ilocos Norte National HS due to technical problems suffered by their school coaster when they were supposed to be home Monday,” ani Carag.
Samantala, nag-uwi naman ng karangalan sa probinsiya ang futsal team matapos masungkit ng koponan ng 17 under boys at women’s open ang 1st place habang ang 17 under girls ay nasa 3rd place naman.