Matagumpay na naisagawa ang tatlong araw na Provincial Youth Leadership Summit na ginanap sa Cagayan Sports Complex, Tuguegarao City, Cagayan nitong Hulyo 30 hanggang August 1, 2022.
Ayon kay John Carlo Manzano, Youth for Peace(YFP)Cagayan President, ang aktibidad ay inorganisa ng 501st Infantry “Valiant” Brigade, 17th at 77th Infantry Battalion Philippine Army katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pamumuno ni Governor Manuel Mamba.
Aniya, dinaluhan ito ng 62 dalawang kabataan na mula sa iba’t ibang bayan sa Cagayan.
Ang aktibidad ay may temang “YOUTHnited Cagayan: Yielding Higher Ground of Youth Empowerment through PYLS Trainer’s Training 1.0 to become Peace-builders and Resilient Youth of the Nation.”
Sinabi ni Manzano na may layunin ang aktibidad na pagandahin ang leadership skills ng mga kabataan at maipabatid sa mga kabataan ang kanilang respondibilidad sa lipunan.
Bukod dito, inihayag din ni Manzano na malaking tulong ang aktibidad para magkaroon ng tiwala ang mga kapwa niya kabataan sa kanilang mga sarili at maipaangat ang “teamwork” o pagkakaisa.
Dnaluhan din nina Bgen Steve Crespillo, Philippine Army Brigade Commander at 1lt Trisha Pascual YFP Cagayan Chapter Adviser ang naturang aktibidad. (DIGNA BINGAYEN)