Nasa 74.05% na sa mga proyekto sa ilalim ng Support to Barangay Development Project-End Local Communist Armed Conflict (SBDP-ELCAC) ang implemented na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.
Sa nasabing porsyente, walo rito ay 100% completed na. Kinabibilangan nito ang konstruksyon ng solar dryer at farm shed sa barangay Apayao; solar dryer at relocation ng electric post sa barangay Villareyno sa bayan ng Piat.
Natapos na rin ang tatlong proyekto sa barangay Liwan sa bayan ng Rizal, katulad ng barangay health station, farm-to-market roads at installation ng street lights.
Maging ang konstruksyon ng solar dryer with palay shed sa barangay naman ng Anurturu sa Rizal ay natapos na.
Sa ngayon ay mayroon pang 14 na proyekto katulad ng konstruksyon ng school building, Level II water system, at municipal roads na proyekto na tinukoy ng mga barangay mula sa nasabing program. Ang mga ito ay inaasahang matatapos din ngayong taon.
Ang anim na barangay ay idineklarang insurgency-cleared barangays ng Department of Interior ang Local Government at Philippine Army na nabigyan ng tig-P20 milyon para sa proyekto sa ilalim ng Local Government Support o LGSF-SBDP-ELCAC.
Ito ang mga barangay ng Apayao at Villareyno sa bayan ng Piat; Anurturu, Liwan at Minanga sa bayan ng Rizal at barangay Balanni sa bayan naman ng Sto. NiƱo.
Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan naman ang inatasan na magpatupad sa mga nasabing proyekto.
Tumulong rin ang PGC sa pamamagitan ni Governor Manuel Mamba sa paglaan ng P13 milyon para mabuksan ang daan sa Anurturu at Minanga upang makapasok ang contractor na magsasagawa ng proyekto.