Kinilala ang mga manlilikhang Cagayano na nagwagi sa 5th Cagayan Art and Creative Writing Awards (CACWA) sa isang awarding ceremony na naganap ngayong araw, Hulyo 2, 2023 sa Cagayan Museum and Historical Research Center, Tuguegarao City.
Ang CACWA ay isa sa mga highlight sa pagdiriwang ng Aggao Nac Cagayan tuwing buwan ng Hunyo. Layunin nitong linangin ang talento at husay ng mga Cagayano sa larangan ng sining at pagsusulat.
Ang art competition ay may dalawang kategorya: Physical Media (painting at sculpture), at Digital Media (Photography).
Ang napiling semi-finalists sa Visual Arts sina Catherine Bulseco (The Magician), Julius Bumagat (Habang Maikli ang Kumot, Matutong Mamaluktot), Francis Harold Orara (Creatures in the Woods), Harvey Gonzales (Naregta: Bloom Where You’re Planted), Lucio Taguiam (Gabay), Joel Maribbay (Tolay), Dennis Fortozo (Wings of Aya), Racel Angeli Abordo (Fragments of Time), Edgar Paz (Sabongeros), at Arnold Manto (Black and White).
Ang napiling semi-finalists sa Photography ay sina John Mark Dalimag (Unwavering Mother’s Sacrifice, Allyiah Xiamen Kim (Bayanihan), Sharmaine Encarnacion (A Ray of Hope), Julian Quiamhor (Tuyo), at Rhiane Stefany Sacramed (Alon ng Kinabukasan).
Mula sa semi-finalists, narito ang napili ng hurado para sa pwesto ng five equal winners ng art competition:
CATHERINE BULSECO
JULIUS BUMAGAT
FRANCIS HAROLD ORARA
HARVEY GONZALES
JOHN MARK DALIMAG
Nag-uwi ng certificate at tig-P2,500 ang bawat semi-finalist. Samantala, ang limang (5) Finalists naman ay nanalo ng tig-P10,000 at nag-uwi ng plake.
Ang mga naging hurado ng art competition ay mga kilalang indibidwal sa larangan ng sining. Ito ay kinabibilangan nina Dannie R. Alvarez, Peter John Natividad, at Patrick D. Flores.
Samantala, ang Short Story Writing Competition naman ay nagkaroon ng limang kategorya: Junior High School, Senior High School, College, at Adults Category, at Senior Citizens Category. Ang Senior Citizens Category ang pinakabagong tampok ng short story writing competition ngayong taon.
Narito naman ang mga nanalo sa Short Story Writing Competition sa iba’t ibang kategorya:
Junior High School Category:
1st Place- Hannah Grace Anacio (Bridging Divides)
2nd Place- Myrk Xuan Agbayani, Princess Nicole Alcavedos, Evette Amancio, Clyde Garcia (To Complete the Promised Heart)
3rd Place- Harold Areola (Bus Ride)
Senior High School Category:
1st Place- Shaniah Mariel Maguddayao (Bangka sa Bote)
2nd Place- Mark Vincent Pariñas (Dandelions)
3rd Place- Glyza M. Bautista (Naparabur A Panagsigay/ Bountiful Fishing)
College Category:
1st Place- Maria Angelica Beran (Dance of a Merman)
2nd Place- Christine Reños (Ang Tindahan ni Aling Pacing)
3rd Place- Jonathan Tabaog (Batman ang Maskara ni Balong)
Adults Category:
1st Place- Leah Joyce C. Quilang (Silent Strength)
2nd Place- John Christhian Tambio (The Legend of the Tagay Plant)
3rd Place- Christine Grace Tambio (The Riverians)
Senior Citizens Category:
1st Place- Armando M. Llopis (An Amalgam of Two Worlds)
2nd Place- Francisca L. Salanga (Bittersweet Beginnings in 1980s)
3rd Place- Calixto B. Alicay Sr. (The Shadow of Death)
Nag-uwi ang 1st Placers sa lahat ng katergorya ng tig-P10,000. Ang lahat ng 2nd Placers ay nag-uwi ng tig-P7,000; at ang 3rd Placers ay may tig-P5,000 na premyo. Lahat ng mga nanalo ay nabigyan din ng plake.
Ang mga naging hurado ng short story writing competition ay mga kilalang indibidwal sa larangan ng Philippine literature. Ito ay kinabibilangan nina Prof. Eugene Evasco, Mary Ann Ordinario, Noel Galon de Leon, Heather Ann Pulido, at Kim Derla.
Pinangunahan ni Governor Manuel N. Mamba, Atty. Mabel Villarica-Mamba, ang Unang Ginang ng lalawigan, Chair ng Aggao Nac Cagayan Steering Committee 2023, at ang proponent ng CACWA; at ni Nino Kevin Baclig, ang Museum Curator ng Cagayan Museum ang awarding ceremony.
Ito ay dinaluhan ng mga nanalo kasama ang kanilang pamilya at ang kanilang mga coach. Dumalo rin sa aktibidad si Atty. Maria Rosario Mamba-Villaflor, ang Provincial Administrator; mga department head ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, media, at iba pang mga bisita.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Atty. Villarica-Mamba ang halaga ng pagtitipon-tipon sa huling araw ng pagtatanghal ng higit isang buwang selebrasyon ng 440th Aggao Nac Cagayan.
“It is only apt that we are here at kilometer zero, in the Cagayan Museum, where we have on display the oldest human and where we hold now the Cagayan Art and Creative Writing Awards. As long as we have art, as long as we have the written word, we will continue to make history for the present and future generations of Cagayanos. Kay sarap maging Cagayano sa panahon ngayon, lalo kung tayo ay nagkakaisa katulad ng nangyayari sa atin sa kasalukuyan. Let us celebrate to be a Cagayano because it is the best time to be a Cagayano,” sambit niya.
Pinasalamatan naman ni Baclig ang lahat ng lumahok sa CACWA, at sa mga sumuporta ng aktibidad at sa Unang Ginang na siyang patuloy na sumusuporta sa mga programang patuloy na nagpapalago sa kasaysayan, kultura, at tradisyon ng Cagayan.