Nakatanggap ng 50 wheelchairs ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office.
Ito ay kaloob ng organisasyong Children’s International at Free-Wheelchair Mission bukod pa sa mga firejacket na nauna nang naibigay ng PGC sa mga bumbero ng lalawigan.
Ang mga wheelchair ayon kay Helen Donato, PSWD Officer ng lalawigan, ay ipagkakaloob naman ng PGC sa mga Cagayano na higit na nangangailangan, lalo na ang mga may kapansanan partikular na ang children with special needs.
Lubos naman ang pasasalamat ng opisyal sa naturang organisasyon sa walang sawa nilang suporta at pagbibigay ng mga assistive device para sa mga Cagayano.
“We are very very grateful to Children’s International and Free-Wheelchair Mission for their unwavering support for Cagayan.
It only shows kung gaano sila dedicated sa pagbibigay ng serbisyong totoo sa mga tao,” pahayag ng pasasalamat ni Donato.
Patuloy naman ani Donato ang kanilang isinasagawang assessment, interview, at measurement sa kanilang mga kilyenteng nauna nang nag-request ng assistive device.
Ang pagbibigay ng wheelchair ay naganap nitong Pebrero-09 sa mismong tanggapan ng Children International sa Manila kasabay ng pakikipagpulong ni Donato sa naturang organisasyon kasama si Michael Pinto ang Provincial Librarian ng Cagayan Provincial Learning and Resource Center (CPLRC).