Inuwi ni Angelica Sedano, ang Singing Idol ng Solana ang kampyenato sa katatapos lamang na Cagayan Singing Idol Season 3.
Ibinirit ni Sedano ang tagumpay mula sa kanyang pyesang ‘Listen’ na orihinal na awitin ng Queen pop na si Beyonce.
Nag-uwi ng P25,000 cash at trophy si Sedano, habang wagi naman sina Jobelyn Pastor ng Claveria bilang 1st runner up, at Maxene Claire Soriano bilang 2nd runner up.
Samantala, isang awitin ng pasasalamat din ang inihandog ng 27 Singing Idol contenders kasama ang mga hurado para sa ama ng lalawigan na si Gov. Manuel Mamba mula sa orihinal na awitin ni Jimmy Hurado na ‘Salamat Manuel’.
Dinaluhan ang nasabing aktibidad nina Atty. Mabel Villarica-Mamba, chairperson Aggao Nac Cagayan steering committee; Provincial Administrator, Atty. Ma. Rosario Mamba-Villaflor, Board Member Romeo Garcia, department heads, consultants, at empleyado ng kapitolyo.
Ang Cagayan Singing Idol ay pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office bilang office in-charge sa nasabing patimpalak.