Isasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang ‘2nd Quarter Capitol Bloodletting’ ngayong selebrasyon ng 440th Aggao Nac Cagayan sa pangunguna ng Provincial Health Office (PHO) katuwang ang Cagayan Valley Medical Center (CVMC).

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa isasagawang bloodletting activity bukas, Martes, Hunyo-27, 10:00 AM – 4:00 PM na gaganapin sa 2nd floor ng Wellness Area ng SM City Tuguegarao.

TANDAAN BAGO MAG-DONATE NG DUGO:

1. Magkaroon ng sapat na tulog ( 6-8 oras) at magpahinga ng maayos.

2. Huwag uminom ng alak 24 oras bago ang blood donation.

3. Kumain ng tama at sapat bago mag-donate. Iwasan ang matataba at mamantikang pagkain.

4. Uminom ng maraming tubig bago at pagkatapos mag donate.

SAVE LIVES! BE A REGULAR BLOOD DONOR!