Nagsilbing ayuda ang isdang “Malaga” sa tatlong bayan sa lalawigan ng Cagayan matapos hagupitin ng Super Typhoon Egay.
Nabatid sa FB page ni Mayor Cerry Antiporda ng Buguey, kanyang tinuran na “let us share our blessings here in Buguey to the affected families of other towns due to Super Typhoon Egay.”
Ang nasabing pahayag ay kasabay ng selebrasyon ng Malaga at Guraman Festival 2023 ng nasabing bayan. Ito aniya ang pinakamainam na paraan ng pagbibigay ng pasasalamat sa masaganang ani ng isdang Malaga na itinuturing na maipagmamalaki ng bayan ng Buguey.
Hinatiran na ng LGU Buguey ng 200 kilos ng Malaga ang bayan ng Baggao, 100 kilos sa bayan ng Sta. Ana para sa 235 na mga household sa Brgy. Sta. Clara at 100 kilos sa bayan ng Gonzaga para sa 137 households ng Sitio Laoc, Brgy. Pateng at Sitio Bagsang sa Brgy. Sta. Clara sa bayan ng Gonzaga, Cagayan.
Ang isdang Malaga ay kinikilalang isa sa mga masasarap na isda at isa sa tinaguriang “high-value fish” sa bansa.