Itinanghal bilang overall champion ang 4-H Club Cagayan sa ginanap na 2023 Regional Youth Summit sa Agricultural Training Institute (ATI)-Regional Training Center 02 sa San Mateo, Isabela nitong Hulyo 12-14, 2023.
Nakatanggap ang nasabing organisasyon ng mga kabataang Cagayano ng plake at mga certificates matapos nilang ipakita ang kanilang galing at husay sa siyam na magkakaibang kategorya ng patimpalak.
Kabilang din sa natanggap ng organisasyon ang tseke na nagkakahalaga ng P1.4M na ipinasakamay ni Provincial Agriculturist Pearlita P. Mabasa kay Provincial Treasurer Mila Mallonga na nagmula sa ATI kaninang umaga, ika-17 ng Hulyo.
Ang 4-H Club o Heart, Head, Hand, at Health ay isang organisasyon ng mga Cagayanong kabataang magsasaka na hinahasa ang kanilang mga kakayahan at mga talento upang maging responsableng mamamayan.
Kabilang sa mga napanalunan ng 4-H Club Cagayan ay ang mga sumusunod:
1st Place- Mernalyn Oamil ng Sanchez Mira- bilang
Most Outstanding 4-H Club Innovation Pitching
1st Place- Justine Dale Beldua ng CSU Lallo-Regional Excellence Achievement Award- Hands
1st Place – Sander Silario, Sta. Ana- Regional Excellence Achievement Award- Heart
2nd Place- Kelly Zingapan, Tuguegarao City-Himig Handog
2nd Place- Karl Robert Rumusud, Iguig-Short Film Contest
2nd Place- Johnmar Balbin, Tuguegarao City-Promotional 4-H Merchandise Making Contest
3rd Place- Segundo Baggay Jr., Tuguegarao City-Most Outstanding 4-H Member
Ayon kay, Mabasa nasa tatlumpu’t limang (35) magsasakang kabataan na mula sa iba’t ibang munisipyo ng lalawigan ang sumali sa Regional Youth Summit.
Dagdag pa niya, nakatakdang lalahok ang 4-H Club Cagayan sa national level na gaganapin sa Boracay sa darating na buwan ng Agosto ngayong taon.
Inorganisa ang naturang aktibidad sa pamamagitan ng ATI-RTC 02 at 4-H Club of the Philippines Region 02, katuwang ang Office of the Provincial Agriculturist (OPA) ng Isabela at sa suporta na rin ng OPA Cagayan, Nueva Vizcaya, Quirino, at si Senator Cynthia Villar.