Pinagkalooban ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan (PGC) sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ng tig-5 kilos na bigas ang kabuuang 2,369 na indigent individuals sa bayan ng Sta. Teresita, Cagayan, kahapon, September 01, 2022.
Ang mga indibidwal na nabigyan ng bigas ay mula sa Brgy. Dungueg-203, Alucao-500, Luga-476, Masi-325, Aridowen-377 at Mission-488.
Ayon kay Bonifacio Cuarteros, Social Officer IV ng PSWDO, ang distribusyon ng bigas sa naturang bayan ay ipagpapatuloy din ngayong araw upang mabigyan din ang lahat ng mga rehistradong indigent sa bawat barangay ng Sta. Teresita.
Labis din aniya ang pasasalamat ng mga nakatanggap dahil malaking tulong din ito para sa ilang araw nilang suplay.
Ngayon naman sa ikalawang araw ng distribusyon ay kasalukuyan nang ipinapamahagi ng Relief Management team ng PSWDO ang bigas sa mga Barangay ng Centro East, Centro West, Buyun, Caniugan, Simbaluca, Simpatuyo, at Villa.
Dagdag pa dito, sinabi rin ni Cuarteros na nakaantabay na ang tanggapan ng PSWDO sa pamamahagi ng mga relief good sa mga bayan na apektado ng bagyong Henry.
Ang naturang distribusyon ay pinangunahan ni 1st district Board Member Atty. Romeo Garcia.